ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pauleen Luna hits back at basher accusing her of stealing Vic Sotto from Pia Guanio


Halos tatlong buwan na ang nakalipas mula nang ikasal ang “Eat Bulaga!” hosts na sina Pauleen Luna at Vic Sotto, ngunit tila patuloy ang pagdating ng mga mapanirang pahayag mula sa kani-kanilang bashers.

Kamakailan lamang, nag-post ang Kapuso host-actress ng throwback photo mula sa araw ng kasal nila ni Vic noong nagdaang Enero.

Marami man ang nagpahayag ng suporta sa mag-asawa, mayroon pa ring mga negatibong komentong natanggap ang post ni Pauleen.

 

??

A photo posted by Marie Pauleen Luna Sotto (@pauleenjlunasotto) on


Ayon sa isang Instagram user, “Sana masaya ka na ngayon, Pauleen, dahil naagaw mo na talaga nang tuluyan kay Pia.”

“Hindi ka man lang naawa kay Pia. Nagpakasal sa ibang lalaki kasi wala na siyang nagawa dahil naagaw mo na sa kaniya si Bossing. Kaya wala na siyang choice kundi magpakasal sa iba,” dagdag pa nito.

Hindi pinalampas ni Pauleen ang mga mapanirang pahayag na ito, at sinabing, “Hi. May asawa na si Pia when Vic and I started dating. Bakit nakakaawa? Siya ang unang nag-asawa at masaya siya. Anong nakakaawa doon?

Matatandaang nagpakasal si Pia—na daitng kasintahan ni Vic—sa businessman na si Steve Mago noong October 2011, at taong 2012 naman nang umugong ang balitang nagkakamabutihan si Bossing at Pauleen.

Sagot naman ng basher, “Kawawang Pia. Inagawan na ang mahal niya, pati theme song nila, inagaw rin. Walang originality! Gaya-gaya!”

Sa huli, hiniling na lamang ni Pauleen na maging masaya sana ang basher niya, tulad ng kasiyahang nararamdaman nila ngayon ni Bossing bilang mag-asawa, at ng kasiyahang siguradong mayroon din sina Pia at Steve.

“Ikaw ang nakakaawa. We're all happy with our lives. Ikaw din sana,” aniya. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News