Rhian Ramos and Heart Evangelista to battle it out in 'Lip Sync Battle PHL'
Susunod na maghaharap sa “Lip Sync Battle Philippines” ang Kapuso leading ladies at malapit na magkaibigan na sina Rhian Ramos at Heart Evangelista.
Pareho mang umamin na nakararamdam ng kaba, siniguro naman nilang pinaghandaan nila ang kani-kanilang pasabog na performances.
Ayon kay Rhian, “Noong nalaman ko na si Heart ang makakalaban ko, talagang nag-strategize ako. Pumili ako ng mga kanta not just for any battle, but for Heart.”
“Challenge din kasi, iniisip ko, 'Ano ba 'yung songs na madi-display ko talaga ang talents ko?'” dagdag pa niya.
Buwis-buhay, emosyonal, at intense raw ang inihandang production number ng aktres.
Para naman kay Heart, simple ngunit masaya ang inihanda niyang performance.
Napa-throwback rin ang aktres sa bahagi ng kaniyang showbiz career kung kailan siya nakilala bilang isang singer at nakapag-release pa ng album.
“Hindi buwis-buhay. Gusto ko masaya lang. 'Yun lang ang naging concept ko. Si Rhian, for sure, buwis-buhay 'yan. Adventurous 'yan. Kinabahan ako kasi alam kong mahilig siyang mag-lip sync talaga ng rap songs since before. She's a good performer, but kaya natin 'to,” aniya.
Dagdag pa ng Kapuso actress, “Kinabahan ako at na-excite kasi may mga bagay na hindi naman usually ginagawa. This is something different. I want to show a certain side of me.”
Mapapanood ang “Lip Sync Battle Philippines” tuwing Sabado sa GMA Network, pagkatapos ng “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.” -- FRJ, GMA News