Andi Manzano, GP Reyes throw animal-themed birthday party for daughter Olivia
Pinangunahan ng TV personality na si Andi Manzano at ng kaniyang asawa at businessman na si GP Reyes ang pagdiriwang ng unang kaarawan ng kanilang panganay na anak at unica hija na si Olivia noong nakaraang buwan.
Animal-themed ang naturang birthday party, at bukod sa makukulay na dekorasyon at masasarap na pagkain, agaw-eksena rin ang mga buhay na hayop na maaaring hawakan at alagaan ng mga bisita.
Sa video na gawa ni Jason Magbanua, nagbigay ng sweet messages ang mga bisita para sa birthday girl, na mukhang labis na nag-enjoy sa kaniyang pool party sa The Palace Pool Club, Uptown Bonifacio, Taguig.
Noong nakaraang linggo lamang, inihanda ng mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi ang isang Coachella-themed party para sa unang kaarawan ng kanilang unica hija na si Amarah. — APG, GMA News