ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca Gonzalez looks back at being bullied because of dark skin


Matapos niyang ipagtanggol ang kaniyang anak na si Lucia mula sa basher na tumawag sa bata na “negra,” hinikayat naman ng kilalang host na si Bianca Gonzalez ang mga tulad nilang morena na maging proud sa kulay ng kanilang balat. 

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, binalikan ni Bianca ang kaniyang kabataan, kung kailan siya nagiging biktima ng mga bully dahil sa balat niyang kayumanggi.

Aminado man siya na naging insecure siya dahil sa mga panunuksong ito, nalagpasan rin daw ito ng TV host at natutuhan niyang mahalin ang kaniyang sarili sa tulong ng kaniyang pamilya at mga tunay na kaibigan.

Aniya, “10-year-old-me to bullies calling me "negra" be like... Fast forward to me in my 30s, and haters still bully me 'negra.' Na-insecure din ako nung bata ako, until I discovered my talents and built real friendships and realized skin color doesn't matter.”

Dagdag pa ni Bianca, “The past few days have been so eye-opening, to find out that so many people are still bullied for being maitim. 2016 na, huy! Naniniwala ka pa rin ba na 'mas maganda' ang maputi kaysa sa maitim? Pinoy tayo, kayumanggi ang kulay natin, be proud of it!”

 

 

Mensahe niya sa lahat ng Pinoy na nabiyayaan ng kayumangging balat, huwag mapipilitang magpaputi dahil lamang sa sinasabi ng ibang tao.

Mahalaga raw na matutuhan ng bawat isa na mahalin ang kani-kanilang mga sarili anomang kulay ng balat ang mayroon sila, dahil hindi nasusukat kailanman ang pagkatao ng panlabas na kaanyuan.

“To any young Pinoy reading this, huwag na huwag ma-pressure na magpaputi dahil hindi mo kailangan yan, maganda ang kulay mo. To parents, siblings, best friends, special someones of anyone being bullied for being dark, reassure them that their color is beautiful and they need not be fairer to be appreciated,” ayon kay Bianca.

“Whether you're born with dark or fair skin, embrace your color and be proud of it. Wala sa kulay ng balat yung halaga mo bilang tao; nasa pakikisama mo at kung paano mo ibinabahagi yung talents mo na mahalaga.” —ALG, GMA News