ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Julie Ann San Jose shares 'unofficial' graduation photo

 


Magiging masaya ang buwan ng Mayo para sa Asia's Pop Sweetheart at Kapuso actress na si Julie Ann San Jose dahil bukod sa kaniyang kaarawan at 10th year anniversary concert na “In Control,” nakatakda na rin siyang magtapos sa kolehiyo.

Pagkatapos ng apat na taong pag-aaral, nakatakdang magtapos ang singer-actress ng kursong Communications mula sa Angelicum College.

Ipinasilip ni Julie Anne ang kaniyang graduation picture noong Martes.

“Isa sa pinakamagandang regalo na mabibigay mo sa magulang mo ay ang makatapos ka ng pag-aaral,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa ni Julie Anne, “And for me, education is really important. Number one priority ko 'yun. Hindi naman masasabi kung hanggang kailan ako sa showbiz. Kapag wala na ako dito, at least may fallback ako.”

 

 

Bukod sa kaniyang pagtatapos, pinaghahandaan na rin ng Kapuso artist ang kaniyang 10th anniversary concert na “In Control,” na magaganap sa darating na Sabado, May 14, 8 p.m., sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Inaabangan na rin ng fans ni Julie Anne ang kaniyang pinakabagong album na nakatakda ring ilabas ngayong taon.

Aniya, “I have recorded three songs already. Electro RnB ang genre niya. It's quite diffeernt from the previous albums that I've made, pero on track siya sa Forever EP na ginawa ko sa States. My first two albums were country, ballad. Ngayon, nasa Pop RnB naman ako.” — APG, GMA News