Pia Wurtzbach recalls Binibining Pilipinas 2015 Q&A with Leni Robredo
Inalala ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang Question and Answer portion na pinagdaanan niya noong sumabak siya sa pangatlong pagkakataon sa Binibining Pilipinas.
Si Camarines Sur Representative Leni Robredo ang nagtanong kay Pia noong taon na iyon.
Wow. Naalala ko lang it was Ms Leni Robredo who asked me my final question in Bb Pilipinas 2015. Yung "Think before you click". ????
— Pia Alonzo Wurtzbach (@PiaWurtzbach) May 10, 2016
Naging paksa ng Question and Answer portion para kay Pia ang internet censorship.
Ayon kay Robredo, “Social media is now a very powerful tool of communication. Can you tell us your thoughts on internet censorship?”
Ito naman ang naging sagot ni Pia, na nanalong Binibining Pilipinas Universe 2015 noong gabing iyon:
Nauna nang itinanggi ni Pia na mayroon siyang sinusuportahang kandidato ngayong eleksyon. Aniya sa isang Instagram post, "Mabuhay, mga kababayan. Patuloy tayong magdasal at mag tiwala na ang mga mahahal[al] ay karap[at]dapat. Pati po ako puyat, kabado at nagaabang."
"Mahal na Diyos, kayo na po ang bahala. #philippineelections2016 #Halalan2016" dagdag pa niya.
Internet Hate
Bukod sa pangakong pagpapalawak ng kaisipan ng mga tao tungkol sa HIV/AIDS, naging kampanya na rin ni Pia ang cyberbullying—sumasalamin sa kaniyang pagsagot ng "Think Before You Click."
Kamakailan lamang ay pinayuhan niya ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na huwag ng bigyan ng pansin ang mga mapanira sa Internet.
@whianwamos some people just exaggerate. I've had many typos and I don't even bother deleting them. Alam nyo na dapat yun.
— Pia Alonzo Wurtzbach (@PiaWurtzbach) May 8, 2016
Naging biktima na rin si Pia ng pag-ba-bash, kagaya na lamang ng kaniyang sabihing "babawi" siya para sa Pilipinas matapos matalo si Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather Jr.
Samantala, umani naman si Robredo ng mga negatibong komento sa social media matapos niyang maungusan si Senator Bongbong Marcos sa partial at unofficial count ng resulta ng halalan.
Isang tao ang nag-iwan ng mensahe sa Facebook na nagsabing, "Napaka evil mo. Sana ikaw na lang yung nasa eroplanong bumagsak, hindi yung asawa mo."
Sa isang panayam sa State of the Nation, inamin ni Robredo na lingid sa kaalaman ng taong nagbigay ng mensaheng iyon, hiniling din niya na magkapalit sila ng asawa ng kapalaran.
Ninais raw niyang sumagot, ngunit pinili niyang ibaling ang atensyon sa mga mas mahalagang bagay.
Aniya, "Pero siyempre pipigilan mo yung sarili mo. Kasi bakit mo naman papatulan? Pero napaka vicious ng ibang tao. Pero ite-train mo lang yung sarili mo. Ano yung bigger picture? Hahayaan mo bang parang ma-drag down ka nung mga hindi mabubuti?" — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News