ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Ilang celebrity candidates sa Eleksyon 2016, naiproklama na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang ang ilang celebrity candidates sa mga naideklara nang nagwagi sa katatapos na halalan nitong Lunes.

Nagpapasalamat sila sa pagtitiwalang ibinigay sa kanila upang makapaglingkod sa bayan kahit mayroon mga nagdududa sa kanilang kakayahan bilang mga artista.

Basahin: How did showbiz clans fare in #Eleksyon2016?

Basahin: Ilang celebrity candidates ngayong Eleksyon 2016, nangunguna sa bilangan

Ilan sa mga naiproklama nang panalo ay sina Bacoor City mayoralty-elect Lani Mercado-Revilla, at ang kaniyang anak na muling nahalal na si Cavite vice governor Jolo Revilla.

Nagwagi rin sina Jhong Hilario at Rico J. Puno, bilang konsehal sa Makati; Charee Pineda na konsehal ng Valenzuela; Yul Servo na kongresista ng Maynila, at Monsour del Rosario, na kongresista ng Makati.

Narito ang ilan pa sa mga artista inihalal ng bayan sa mga posisyon sa gobyerno ngayong Eleksyon 2016:

 
 
 
 
 
 

 

-- FRJ, GMA News