Glaiza de Castro, Sanya Lopez, John Arcilla suit up as Pirena, Danaya, Hagorn
Matapos ipasilip sa mga tagahanga ang eksenang pinaghahandaan ni Solenn Heussaff bilang ang diwatang si Cassiopeia, ipinakita na rin ng direktor na si Mark Reyes sina Glaiza de Castro at Sanya Lopez suot ang kanilang costume bilang Pirena at Danaya.
A photo posted by Encantadia Saga (@encantadiasaga) on
Sa isang hiwalay na post naman, ipinakita naman ng crew ang paglalagay ng make-up ni John Arcilla, na gaganap bilang Hagorn.
Ayon sa aktor, na nag-aayos ng sarili niyang make-up, “If you want it done right, do it yourself.”
Kabilang sina Glaiza at Sanya sa mga muling magbibigay-buhay sa apat na Sang'gre ng “Encantadia,” na inaasahang mapapanood muli sa Kapuso Network ngayong taon.
Kasama nila ang Kapuso actresses na sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia, na gaganap bilang Amihan at Alena.
Nagsimula na ang shooting para sa remake at retelling ng “Encantadia” nitong nakaraang buwan, at kabilang rin sa mga naunang sumabak sa harap ng camera ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, na gaganap bilang Raquim.
Ilan pa sa mga artistang bibida sa inaabangang Kapuso fantasy series sina Marian Rivera, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Pancho Magno, Migo Adacer, Klea Pineda, Christian Bautista, Rochelle Pangilinan, John Arcilla, at marami pang iba. —JST, GMA News