ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Was Baron Geisler fight in viral video for real? Witnesses from UP have their doubts


Naging viral ang aktor na si Baron Geisler nitong nakaraang linggo matapos i-post ang isang video ng kaniyang pakikipag-away sa mga mag-aaral mula sa University of the Philippines.

Ayon sa UP Visual Communication student na si Khalil Verzosa, huli na nang naipadala nila ang script kay Baron para sa editorial design campaign na pagbibidahan sana nito, kaya naman kinailangan nilang gumamit ng idiot board, kung saan nakasulat ang dialogue ng mga aktor upang mabasa nila ito habang nasa harap ng camera.

Mayroon nang halos two million views ang nasabing video.

Sinabi naman ng building administrator at property officer ng UP College of Fine Arts na si Dong Gayagoy na nasaksihan niya ang buong pangyayari at mayroon siya mga pagdududa.

“Narinig ko 'yung mga sigaw, boses na nagwawala. Sumilip ako at nakita ko na may nagtatalo. Nakita 'yung estudyante naming Khalil at si Baron. Paglabas ko, may sumenyas sa akin na estudyante — may camera at kumukuha ng video,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Gayagoy, “May headlock pero lose at hindi rin tumama. Tapos, pinakilala pa nila ako kay Baron. Hindi naman ako papayag na gulpihin ang estudyante namin. Makikibugbog ako 'pag ganiyan.”

Ayon naman sa tinderang si Maribel de Leon, namalagi pa sa kaniyang tindahan ang grupo matapos ang insidente.

Aniya, nagkukuwentuhan pa raw sila at hindi naman mukhang magkakaaway.

Ayon sa record ng UP Police, walang nagpa-blotter sa kanila ng insidenteng naganap sa pagitan ni Baron at ng mga mag-aaral ng unibersidad, at wala ring naitalang incident report.

Pero sa panayam sa 24 Oras ngayong Martes, sinabi ng aktor na hindi ito social experiment lamang.

“I snapped... How I wish na social experiment nga lang ito. No comment muna. Kakausapin ko 'yung manager ko. I will fix things,” ani Baron. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News