ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Moymoy Palaboy vs Ate Gay at Boobay sa Lip Sync Battle PHL


Doble-doble ang kasiyahang masasaksihan sa darating na Sabado sa paghaharap ng comedic duo na Moymoy Palaboy laban sa tambalan nina Ate Gay at Boobay sa Lip Sync Battle Philippines.

Pag-amin ni Roadfil, nakakaramdam sila ng pressure dahil unang nakilala ang kanilang tambalan sa kanilang viral na lip sync videos.

"Yung pressure nasa amin kasi expected, kailangan yung lip sync namin plakado kasi doon kami nakilala," ani Roadfil.

Dagdag naman ni Moymoy, "Matinding tinatawag naming pinakamalupit na preparation ang ginawa namin dito sa laban na ito."

Si Ate Gay, hindi naman natitinag at walang kaba na makaharap ang magkapatid.

Pangako naman ni Boobay, patataubin nila ang Moymoy Palaboy dahil ibang Ate Gay daw at buwis-buhay ang makikita ng mga manonood sa Sabado.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment


-- FRJ, GMA News