ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mariel Rodriguez announces she's three months pregnant


Makaraan na makaranas ng miscarriage o makunan ng anak noong 2015, masaya at emosyonal na ibinalita ni Mariel Rodriguez nitong Sabado na nagdadalang-tao na siyang muli.

Ayon sa misis ng aktor na si Robin Padilla, masaya siya na maipapaalam na niya sa publiko ang kaniyang kalagayan na matagal din niyang ipinagdasal.

"Totoo talaga ang sinasabi nila na everything happens in God's time, 'pag sinabi ni God dun talaga mangyayari. So I am happy na mai-i-share ko na po sa inyo that I'm three months pregnant," naiiyak na pahayag sa Showtime ni Mariel.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Robin na masaya sa pagbubuntis muli ni Mariel dahil nagkaroon umano ng posibilidad na baka hindi na sila magkaanak ng asawa.

Dalawang beses nagkaroon ng miscarriage si Mariel noong Marso at Agosto 2015.

Nang makunan si Mariel noong Agosto, triplet ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. (Basahin: Mariel Rodriguez suffers miscarriage for the second time)

 

 

-- FRJ, GMA News