Kris Aquino: 'Binigay ko ang lahat for VP Leni'
Ano nga ba ang dahilan ng television host-actress na si Kris Aquino para suportahan at ibinigay daw niya ang lahat para sa kandidatura ng incoming vice president na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo?
Sa Instagram post ni Kris, binati niya si Leni na idineklara ng National Board of Canvassers nitong Biyernes ng gabi na nanalong bise presidente sa katatapos na Eleksyon 2016.
Batay sa official tally, nakakuha si Leni ng 14,418,817 boto, kumpara sa 14,155,344 boto nang pinakamahigpit niyang kalaban na si Sen. Bongbong Marcos.
READ: Leni beats Bongbong in VP race
Sa naturang post, ipinaliwanag ni Kris kung bakit niya sinuportahan ng todo si Leni at itinuring "personal fight" ang pangangampanya para manalo ito.
"Yes, for me this fight was personal- IT WAS FOR MY MOM's MEMORY. Kaya binigay ko ang lahat for VP Leni- ganun ako pinalaki, nakikipaglaban ng buo ang puso!," bahagi ng post ni Kris kasabay ng pasasalamat niya sa mga bumoto para sa kongresista.
Si Kris ay anak ng namayapang si dating Pangulong Cory Aquino, ang kauna-unahang babaeng presidente na pumalit sa kapangyarihan nang mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ni Sen. Bongbong.
READ: Another widow in yellow beats a Marcos
Inilahad din niya ang paghanga sa mambabatas: " Apart from my MOM, @lenirobredo is my IDOL when it comes to being the BEST MOM. In her I saw calm intelligence with sincere humility, a sense of humor, & a life's purpose of true public service. #LifeGoals."
Ibinahagi rin ni Kris ang pag-aalinlangan noon ng ilan niyang kaibigan sa ginawang pagsuporta kay Leni, na sa simula ng kampanya ay hindi masyadong umaangat sa mga survey.
"A friend told me- Kris, wag mo naman itaya ang lahat, paano kung matalo si Leni? I smiled in reply & said marami kaming kakampi sa langit," saad pa niya.
Si Leni ang magiging pangalawang babae na naging bise presidente ng bansa. Una ay si Gloria Macapagal-Arroyo, na kinalaunan ay naging ikalawang babaeng pangulo. -- FRJ, GMA News