Empoy, gaganap sa 'Wagas' bilang makulit na Sugod-Bahay winner na si Juanito
Ngayong Sabado, tunghayan sa 'Wagas' ang kuwento ng buhay at pag-ibig ni Juanito, ang Sugod-Bahay winner na nagbigay ng labis na tawanan sa mga dabarkads ng Eat Bulaga noong 2012.
Ang simpatikong komedyante na si Empoy ang napiling gumanap sa buhay ni Juanito, habang ang magandang aktres na si Max Collins ang gaganap bilang si Nenita, ang babaeng nagpatibok sa puso ng ating bida.
Itinuturing masuwerteng nilalang si Juanito, dahil bukod sa pagkakapili sa kaniya bilang Sugod-Bahay o Juan for All, All for Juan winner, siya rin ang nanalo ng house and lot na ipina-raffle ng Eat Bulaga, at nagwagi sa puso ni Nenita.
Panoorin muli ang nakakaaliw na eksena nang manalo si Juanito sa Eat Bulaga, na kamuntik pang masaktan ng mga barangay tanod dahil sa bigla niyang pagsugod kina Jose, Wally at Paolo.
-- FRJ, GMA News