ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Direk Joey Reyes on Alden Richards: ‘Nag-iisa ka sa kagandahang asal’


Hindi itinago ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes ang kaniyang paghanga sa Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” host na si Alden Richards dahil sa kabaitan at pagiging mapagkumbababa umano nito sa kabila ng kasikatang tinatamasa.

Ayon kay Direk Joey, labis niyang ikinatuwa ang pagtawag sa kaniya ng binata upang magpasalamat matapos ang kaniyang panayam sa telebisyon kung saan nabanggit niya ito.

“Do you know how much of a gentleman he is? In my so many years in this business, no one has ever gone out of his way to call me to THANK ME for an interview I gave on TV last night,” kuwento ng direktor.

Mensahe niya sa DJ Bae ng “Sunday Pinasaya,” “Alden Richards, you deserve all the blessings coming your way because you are a GOOD MAN! Nag-iisa ka sa kagandahang asal.”

 

 

Matatandaang nagkasama na sina Direk Joey at Alden sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na “My Bebe Love,” kung saan bumida rin sina Bossing Vic Sotto, Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, at Kalyserye sweetheart Maine Mendoza.

Sa naunang panayam, pinuri na rin ng direktor ang kasipagan ni Alden at ang dedikasyon nito sa trabaho

Ayon kay Direk Joey, “I wish all the young performers will have the manners of Alden R. He has earned even more of my admiration as a role model for others.” — RSJ, GMA News