Which Game of Thrones star visited the Encantadia shoot
Inaabangan ang remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia” dahil sa makabagong costume, props, at bigating cast at crew ng nasabing programa.
Kamakailan lamang, bumisita sa set ng “Encantadia” ang aktor na si Conan Stevens, na unang gumanap bilang si Gregor Clegane o “The Mountain That Rides” sa hit American TV series na “Game of Thrones.”
Sa isang Instagram post, makikitang kasama niya ang Kapuso actor na si Rocco Nacino—na gaganap bilang Aquil—at ang batikang direktor na si Mark Reyes.
A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) on
Hindi pa man malinaw kung magiging bahagi pa ng Kapuso telefantasya si Conan, hindi na naitago ni Rocco ang kaniyang pananabik sa pagbisita nito sa kanilang set nitong nakaraang linggo.
Aniya, “So The mountain from Game of Thrones visited us today. What would happen if I fought him one on one kaya? Great meeting you, Conan! #GameofThronesMeetsEncantadia” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News