ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Request ni Inday Sara
WATCH: Baste Duterte sings 'Before I Let You Go'
Sa kahilingan at paglalambing ng kapatid na si Inday Sara Duterte, inawit ng kaniyang kapatid at itinuturing "rock star" ng netizens na si Baste ang awiting "Before I Let You Go."
Ang naturang video ng pag-awit ni Baste ng "Before I Let You Go" ay ini-upload sa Facebook account ng isang Mil Rapinan Tranquilino.
Sa video, makikita ang naglalambing at paghiling ni Inday Sara, uupong bagong mayor ng Davao City, sa kapatid na si Baste na awitin ang kaniyang favorite song.
Marami sa mga nagkomento sa video ang nasiyahan hindi lang sa boses ni Baste kung hindi maging sa pagiging malapit ng mga anak ni President-elect Rodrigo Duterte.
-- FRJ, GMA News
Tags: basteduterte, saraduterte
More Videos
Most Popular