ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Malaking ilong ni Betong, swerte ayon sa feng shui expert


Bumisita sa Kapuso talk show na “Mars” ang kilalang komedyante na si Betong Sumaya noong nakaraang linggo kasabay ang feng shui expert na si Master Hanz Cua.

Sa pamamagitan ng physiognomy o face-reading, sinabi ni Master Hanz na suwerte raw ang malaking ilong ng komedyante.

Paliwanag niya, “Prominent sa kaniyang face ay ang kaniyang nose. Big nose. Ito ay may capacity to save money. Nakita niya 'yung nostrils niya, hindi kita. Maganda 'yan. Ibig sabihin niyan, marami siyang pera at magaling siyang mag-save.”

“Isa pang point kay Betong ay 'yung wings ng kaniyang nose, which signifies the capacity to earn money. 'Yan ang perfect nose—malaki, tago ang nostrils, makapal ang wings,” dagdag pa niya.

Bukod pa riyan, maganda rin ang pagbasa ng feng shui expert sa iba pang bahagi ng mukha ni Betong.

Ayon kay Master Hanz, “Isa pang prominent sa kaniya ang forehead—he has a very strong forehead. Mataas at talagang protruded. This person, matalino at maraming wisdom. Mabilis mag-isip, maraming ideas.”

“His ears are long and earlobes are very thick. This person will have prosperity, good life, and good fortune sa buhay,” pagtatapos niya.

Mapapanood si Betong at ang Kapuso host-actress na si Sheena Halili tuwing Sabado sa “Laff Camera Action, ang pinakabagong Kapuso comedy game show na susubok sa galing ng mga komedyante sa improvisational acting. — APG, GMA News