Vina Morales, 'nagsumbong' kay Robin Padilla
Sa gitna ng iringin nila ni Cedric Lee na ama ng kaniyang anak, nag-post ang actress-singer na si Vina Morales sa kaniyang Instagram account ng larawan ng dati niyang leading man at boyfriend na si Robin Padilla para "magsumbong."
Nilagyan ni Vina ng caption ang ipinost niyang larawan ni Robin na nakatikom ang kamao ng, "Bin oh Away ako!!! Sabi mo pag away ako, sumbong ako sayo Utol Kong Hoodlum."
Taong 1991 nang ipalabas ang "Ang Utol Kong Hoodlum" pinagtambalan nina Robin at Vina.
A photo posted by Vina Morales (@vina_morales) on
Kamakailan lang ay dumulog sa korte si Vina para hilingin na kanselahin na ang visitation rights ni Cedric sa kanilang anak matapos na lumabag daw ang huli sa kasunduan.
Inakusahan din ni Vina na binu-bully siya ni Cedric, bagay na itinanggi naman ng kampo ni Cedric.
Basahin: Vina, hiniling sa korte na kanselahin ang visitation rights ni Cedric sa kanilang anak
Basahin: Cedric Lee refutes ex-girlfriend Vina Morales's allegations
May hiwalay na post din si Vina ng larawan ni President-elect Rodrigo Duterte na may nakalagay na salita sa ilalim na: “Kung bugoy ka, mas bugoy ko sa imo.”
Sa caption ng naturang larawan, ipinaliwanag ni Vina na nakita lang niya ang larawan na kaniyang ishinare [share] dahil natuwa siya at proud bilang isang bisaya.
Saad ng aktres, "Saw this in IG, just thought of sharing... I'm not a political person, I'm a person with compassion but i believe that change is coming. Hoping and praying that things will fall into place with my case. Dili ko gusto ug away pero Dili na pud ko magpa daug daug ( I'm speaking for myself) #pleaserespect saw this pic with words in bisaya. Natuwa ako and I'm proud to be a bisaya."
A photo posted by Vina Morales (@vina_morales) on
Isa si Robin sa mga celebrity na masugid na sumuporta sa kandidatura ni Duterte.
Bagaman walang binanggit si Vina tungkol sa kaso nila ni Cedric sa kaniyang mga post sa Instagram, marami naman sa mga nagkomento ang nagpahayag ng suporta sa kaniyang pinagdadaanan.-- FRJ, GMA News