Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wolfgang's Sebastian 'Basti' Artadi reveals health condition


Ibinahagi ni Sebastian "Basti" Artadi, ang bokalista ng Filipino rock band na Wolfgang, ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang kalusugan matapos kumalat ang iba't ibang espekulasyon tungkol sa pagbabago ng kaniyang hitsura, partikular na sa kaniyang mukha.

Sa isang Facebook post nitong Martes, inamin ng mang-aawit na nakakita ng tumor sa kaniyang ulo pitong taon na ang nakalilipas.

Pinili niya umanong hindi isapubliko ang kaniyang kalagayan upang patuloy siyang makagawa ng musika.

Aniya, “Hi all! I didn't want to make this public because I didn't want it to be a distraction from the music while I was performing, but as my condition gets worse, it appears that it is becoming inevitable (Speculations are I got Bells Palsy or a stroke. One person even suggested it was because of drugs. I have never and do not take drugs, and the funniest was that I got kulam).”

Apektado raw ng nasabing tumor ang mga ugat na kumokontrol sa kanang bahagi ng kaniyang mukha, na naging dahilan ng kaniyang pagkakaparalisa.

“As a result I had to relearn to sing with a paralyzed mouth and the fatigue that comes with it. Unfortunately it doesn't end there. Because one side of my facial muscles are working more than the other, the inevitable result is that my mouth is slowly being pulled to one side and the doctors have said that I will eventually not be able to talk much less sing,” pagbabahagi pa ni Sebastian.

Dagdag pa niya, “This is why I have decided to do as much as possible in the coming years, singing wise, while I still can.”


Upang hindi tuluyang maparalisa ang ibabang bahagi ng kaniyang mukha, humihingi ng tulong ang mang-aawit sa kaniyang mga kaibigan at mga tagahanga upang maipagpatuloy niya ang planong pagpapagamot.

Kasalukuyang nagbebenta ng t-shirt si Sebastian upang makatulong sa kaniyang panggastos para sa medical prodecure na tinatawag na facial sling, na maaari umanong makatulong sa kaniyang kalagayan.

Ayon sa bokalista, “I made a shirt recently which I'm selling to help me fund this. It's just a picture of my face which I thought would be a good symbol for me getting back the lost symmetry, so no it's not because I'm full of myself.”

“I thank God everyday because I'm lucky that this thing still left me with the ability to sing. What would have really sucked is if it took 100% of motion from the get go. So we move on and we do the best we can with what we have. Thanks and I'll see you around town!” pagtatapos niya.

Kabilang si Sebastian sa grupong nagpasikat ng mga awiting “Halik Ni Hudas,” “Darkness Fell,” “Mata Ng Diyos,” “Love and Despair,” at marami pang iba.

Samantala, magkakaroon naman ng partisipasyon si Basti sa cooking show ng kaniyang kapatid na si Sabrina Artadi, na "Sabrina's Kitchen" na mapapanood sa GMA News TV tuwing Linggo, 9:30 a.m.

'I'M NOT DYING'

Samantala, nag-post din si Basti sa kaniyang Twitter account nitong Martes para linawin ang kaniyang kalagayan.

 

 

 

-- FRJ, GMA News