Sang'gre Pirena at Alena, pumasyal sa mundo ng mga tao
Sandali na lamang at matutunghayan na muli ng mga manonood ang Encantadia sa telebisyon.
Ang mga bituin ng inaabangang programa ay tila sabik na rin na ibahagi sa mga viewers ang kanilang palabas.
Noong isang linggo, nag-post sa kaniyang Instagram account si Glaiza De Castro ng video ng kaniyang karakter na si Sang'gre Pirena.
Saad ng dalaga: "Pumasyal lamang muna kami sandali ni Sanggre Alena @_gabbigarcia sa mundo ng mga tao upang katagpuin ang mga taong sumusuporta daw sa mundo ng Encantadia na nagngangalang Enkantadiks."
Umani naman ang iba-ibang papuri ang video, na higit 26,000 na beses nang pinanood ng mga fans.
Hirit ni @trishalmonicar: "Why so hot ate glai? Whoooo ang ineeet naman tlga oh!"
Sabi naman ni @mjubial: "Grabi ang mata ni pirena nkakatunaw :-)" —JST, GMA News