ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aljur Abrenica-Kris Bernal indie film 'EDSA' wins in World Premieres filmfest


Nanguna ang pelikulang “EDSA,” na pinagbidahan ng Kapuso artists na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, sa mga nagwagi sa Filipino New Cinema category ng World Premieres Film Festival 2016 na naganap nitong nakaraang linggo sa Cinematheque Centre Manila.

Iginawad sa pelikula ni Direk Alvin Yapan ang limang parangal, kabilang na ang Special Citation para sa buong cast, Best Sound Engineering, Best Editing, at Best Cinematography para kay Ronald Rebutica.

Ayon kay Kris sa isang Instagram post nitong Linggo, “Congratulations to my #EDSA film family! This is my very first Indie film. The experience has actually encouraged me to work even harder in my future projects! I hope and pray that I get more meaty roles in the #IndieFilm realm!”

“Indie films might be a great opportunity for me to explore my capabilities as an actress. Why not something dark & grunge the next time?! A character that I have never portrayed on TV?!” dagdag pa niya.

Kabilang rin sa mga bida sa nasabing pelikula sina Joem Bascon, John Manalo, Allen Dizon, Mara Lopez, at marami pang iba.

Ipapalabas ang EDSA sa mga piling oras sa SM Megamall mula July 3 hanggang July 10.

 

 

A photo posted by Kris Bernal (@krisbernal) on

 

Bukod kay Kris at Aljur na bahagi ng “EDSA,” ilang Kapuso na rin ang nagbigay karangalan sa bansa at sa industriyang kinabibilangan nila ngayong taon.

Isa na riyan si Teri Malvar, na nagwagi sa 38th Moscow International Film Festival at 15th New York Asian Film Festival bilang Best Actress para sa kaniyang pagganap sa pelikulang “Hamog.”

Kamakailan lamang, hinirang rin bilang Best Actress si LJ Reyes para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Anino Sa Likod Ng Buwan.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News