ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

FHM Philippines wants Marian Rivera in Hall of Fame


Matapos ang pagkapanalo niya nang tatlong beses bilang FHM's Sexiest Woman, nais na raw ng sikat na men's magazine na bumuo ng isang Hall of Fame para sa Kapuso Primetime Queen at “Yan Ang Morning!” host na si Marian Rivera.

Mula 2008 hanggang ngayong taon, kabilang na si Marian sa Top 10 ng FHM 100 Sexiest list, at siya nga ang nag-uwi ng korona noong 2008, 2013, at 2014.

Tumanggi ang Kapuso host-actress na makasama sa listahan noong 2015 matapos siyang ikasal at habang ipinagbubuntis ni si Maria Letizia, ang panganay na anak nila ng kaniyang asawa at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Ngayong 2016, nasa ikaanim na puwesto naman si Marian, pitong buwan lamang ang nakalilipas mula nang isilang ang kanilang anak.

Ayon sa FHM Philippines, “The three-time queen has settled in on the next chapter of her life, but her majesty still lingers over our land. She herself has stated that maybe her time on the list is up. We'd accept that, but only because we feel like we need to be placing her in a hall of fame from now on...”

 

 

Hall of Fame! Thanks FHM ???? @therealmarian

A photo posted by Rams David (@ramsdavid86) on

 

Nagpasalamat naman si Marian sa papuring ito mula sa men's magazine, at muling ipinaalala sa lahat na isa siyang proud mom.

Bukod sa kaniyang TV projects, nakatuon ang pansin ng aktres sa pag-aalaga kay Dingdong at sa kanilang unica hija na si Maria Letizia.

Aniya sa naunang panayam, “Kapag nanay ka, kapag dedicated ka sa ginagawa mo at mahal mo ang ginagawa mo, lahat gagawin mo para sa anak mo at lahat ay posible. Kailangan lang siguro, alam mo ang prioridad mo. Ako, malinaw sa akin at sa lahat, prioroty ko ang anak ko.” —JST, GMA News