ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH: Alden at Maine, very sweet sa premiere night ng 'Imagine You & Me'
Sabay na dumating sina Alden Richards at Maine Mendoza sa premiere night ng pinagbibidahan nilang pelikula na "Imagine You & Me" na ginanap sa SM Megamall sa Mandaluyong nitong Martes.
Si Alden mismo ang nag-drive ng puting Ferrari na sinakyan nila ni Maine.
Todo rin sa pag-alalay si Alden sa kanilang leading lady na si Maine nang rumampa sila sa red carpet papunta sa sinehan.
Sa isa pang video, nakunan naman ang yakapan nina Alden at Maine sa loob ng sinehan sa sobrang kasiyahan sa tagumpay ng premiere night at katuparan ng kanilang pangarap sa pagkakabuo ng "Imagine You & Me."
Mapapanood na sa mga sinehan ang "Imagine You & Me" simula bukas, Miyerkules, July 13. -- FRJ, GMA News
Tags: imagineyoume, aldub
More Videos
Most Popular