ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Anino Sa Likod Ng Buwan' na pinagbidahan ni LJ Reyes, ipalalabas sa mga sinehan


Ipalalabas na sa mga sinehan sa bansa ang pelikulang "Anino Sa Likod Ng Buwan" na nagbigay ng acting awards sa Kapuso star na si LJ Reyes.

Mapapanood sa Miyerkules, July 20 ang "Anino Sa Likod Ng Buwan" idinirek ni Jun Lana sa mga sinehan sa Gateway Mall, at sa Gaisano Mall sa Davao, Tagum,  Toril at Digos. 

"After the long struggle to get ANINO SA LIKOD NG BUWAN in cinemas and dealing with the issue of online piracy that threatened the release of our film, we finally got confirmation for a July 20 playdate in GATEWAY CINEMA here in Metro Manila and GAISANO cinemas in Davao, Toril, Tagum and Digos! Thank you GATEWAY and GAISANO for supporting Philippine cinema," saad ni Direk Jun Lana sa kaniyang Instagram account.

 

Kasama ni LJ Reyes sa nabanggit na pelikula sina Luis Alandy at Anthony Falcon.

Nagwagi si LJ ng Best Actress sa 39th Gawad Urian dahil sa naturang pelikula.

Nakuha rin ni LJ ang Best Actress awards sa 13th Pacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia.

Ipinagkaloob naman kay LJ ang Ani ng Dangal dahil sa pagkakapanalo niya sa Pacific Meridian International Film Festival nitong nagdaang Pebrero. -- FRJ, GMA News