advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUB1stAnniversary

WATCH: Paolo Ballesteros aka Lola Tidora, todo-suporta sa 'Imagine You & Me'


Hindi man siya napapanood ngayon sa Kalyeserye ng "Eat Bulaga," todo-suporta pa rin si Paolo Ballesteros aka Lola Tidora sa unang pelikulang pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza na "Imagine You & Me."

Sa kaniyang Instagram account, ipinost ni Paolo ang isang video na makikita ang mahabang pila ng mga manonood ng pelikula at isinigaw ang sikat niyang pagsigaw bilang Tidora na, "Regine...Woooh!!!"

 

Isa si Paolo sa mga orihinal na bahagi ng kalyeserye na naging daan sa pagkakabuo ng phenomenal love team na "AlDub" nina Alden at Maine.

READ: Netizens, umaasang babalik na si Paolo Ballesteros/Lola Tidora sa #AlDub1stAnniversary

Ang "Imagine You & Me" na kasalukuyang tumatabo sa takilya ay bahagi ng unang anibersaryo ng AlDub at regalo nila sa mga tao na walang sawang sumusuporta sa kanilang tambalan. -- FRJ, GMA News

Tags: imagineyoume
LOADING CONTENT