ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
KAHIT WALA SA #ALDUB1stAnniversary

Ilang netizen, umaasang makikita pa rin sa kalyeserye si 'Lola Tidora'

 


Ilang tagasubaybay ng kalyeserye ng "Eat Bulaga" ang nakaramdaman ng magkahalong saya at lungkot sa selebrasyon ng first anniversary ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil hindi nila nakita sa programa si Paolo Ballesteros, na mas kilala bilang si Lola Tidora.

Nitong Biyernes pa lang ng gabi, ilang netizen na ang nag-post sa Twitter ng kanilang kahilingan at umaasang makikita nila si Paolo sa pagdiriwang ng #ALDUB1stAnniversary.

Paniwala nila, hindi kompleto ang selebrasyon at kasiyahan kung hindi rin buo ang Calle's Angel o The Explorer sisters na si Lola Nidora, Tidora at Tinidora.

Pero natapos ang programa nitong Sabado na hindi nasilayan si Tidora, at inanunsyo ni Nidora ang pagbubukas ng bagong kabanata ng kalyeserye.

 

Sa kabila nito, may umaasa pa rin naman na magbabalik si Tidora sa bagong chapter ng kalyeserye at nakaisip na sila ng posibleng eksena na si Tidora ang nagpa-kidnap kay Lola Nidora sa episode nitong Sabado.

 

-- FRJ, GMA News

Tags: kalyeserye, aldub