ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pinay beauty queens, kasali sa bagong season ng 'The Amazing Race Asia'


Dalawang Pinoy teams ang kasali sa labing-isang grupo na sasabak sa ika-limang season ng "The Amazing Race Asia."

Magsisilbing pambato ng mga Pinoy sa naturang kompetisyon ang tandem ng mga beauty queen na sina Maggie Wilson at Parul Shah, at ang mag-asawang sina Eric at Rona Tai.

Makakalaban nila ang tandem mula sa Indonesia (2 teams), Malaysia (3 teams), Singapore (2 team), at tig-isa sa Thailand at Vietnam.

Mag-uunahan ang mga grupo sa iba't ibang destinasyon na pupuntahan nila sa Asya para makuha ang premyong $100,000 o tinatayang nasa P4.7 milyon.

Nakatakdang ipalabas ang kompetisyon sa darating na Oktubre. -- FRJ, GMA News