ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Ballesteros, babalik na nga ba sa Eat Bulaga?

 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos kumalat kamakailan sa Twitter ang usap-usapan na nakipag-meeting umano si Paolo Ballesteros sa executives ng "Eat Bulaga," marami ang umaasang magbabalik na ang makeup transformation king sa number one noontime show.

Sa ulat ni Jojo Gabinete sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Sabado, nakasaad na posibleng sa huling linggo raw ng Agosto muling mapapanood sa "Eat Bulaga" ang Lola Tidora ng Kalyeserye.

READ:  Netizens, umaasang babalik na si Paolo Ballesteros/Lola Tidora sa #AlDub1stAnniversary

Nitong nakaraang Marso huling napanood sa noontime show si Paolo at hindi malinaw ang dahilan kung bakit siya biglang nawala.

Nang tanungin umano ng PEP.ph si Paolo kung totoo ang mga kumalat sa Twitter, 'Secret' ang sinagot niya sa mensahe.

Hindi rin daw nagbigay ng pahayag si Paolo tungkol sa nalalapit na pagbabalik niya sa Eat Bulaga! nang makausap siya ng PEP sa set ng pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?.

Kasama niya sa naturang pelikula sina Dennis Trillo at Anne Curtis.

Samantala, masaya namang ibinalita ni Paolo na malapit nang maging international child model sa Amerika ang kanyang 7-year-old daughter na si Keira.

Nakabase sa US si Keira at pumirma raw ng kontrata sa BMG Models Global Management ang ina ng bata para sa international modelling career ng bata.

Nakita lang daw ng may-ari ng agency ang litrato ni Keira, pinapunta ang bata sa open call auditions, at makalipas ang isang linggo ay pinabalik siya para pumirma ng kontrata.

IN PHOTOS: Paolo Ballesteros' 'Game of Thrones' transformations attract international attention

Isa pang magandang balita kay Paolo ay ang email na natanggap mula sa producer ng E! Network series na nagsasaad na interesado silang kunin ang tv host-actor sa isang proyekto matapos ma makita ang mga ginawa niyang mga make-up transformation. -- FRJ, GMA News