ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Composer na nasa likod ng classic OPM hits gaya ng 'Macho Gwapito,' pumanaw na
Pumanaw na ang itinuturing na "Father of Soul Music" ng Pilipinas na si Robert "Snaffu" Rigor sa edad na 69.
Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ng anak ni Robert na pumanaw ang amang composer dahil sa lung cancer at chronic obstructive pulmonary disease.
Si Mr. Robert ang nasa likod ng mga classic OPM hits gaya ng "T.L. Ako Sa 'Yo," "Bato Sa Buhangin," "Macho Gwapito," "Bulag, Pipi At Bingi," at marami pang iba.
Nakalagak ang mga labi ni Mr. Robert sa Loyola Memorial Chapel sa Marikina hanggang sa Sabado ng gabi bago ang libing sa Linggo.
Sa Lunes, kasabay sana ng kaniyang ika-70 kaarawan ay isang tribute performance ang idaraos ng kanyang bandang 70's Superband sa Makati. -- FRJ, GMA News
Tags: snuffurigor, opmbands
More Videos
Most Popular