Iya Villania, masaya sa suprise baby shower; excited na sa pagdating ng baby
Kabado pero mas excited daw ang feeling na nararamdaman ni Iya Villania sa pagdating ng unang baby nila ni Drew Arellano.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing bahagyang naging emosyunal si Iya dahil akala raw niya ay walang pinaplanong baby shower para sa kaniya si Drew.
Kaya naman laking gulat niya nang makita ang kaniyang pamilya at mga kaibigan sa sorpresang baby shower na dinaluhan din "Unang Hirit" host Suzi Abrera at mister nitong si Paolo.
Nandoon din sina Valerie Concepcion, Denise Laurel at Tricia Roman, na co-stars noon nina Iya at Drew sa dating youth oriented program na "Click," kung saan sila unang nagkakilala.
Kaya naman ang baby shower, nagmistulang mini reunion na rin daw ng mga magkakasama sa "Click."
Sa isang game, nasubukan din ang kaalaman ng soon to be parents sa pagsagot ng ilang baby trivia.
Ikinuwento naman ni Drew na Antonio Primo ang napili nilang ipangalan sa first baby matapos silang magbiruan ng kaniyang kapatid tungkol sa machong pangalan.
Ang Antonio ay isinunod nila sa pangalan ng ama ni Drew at sinamahan nila ng Primo, na dapat daw ay madiin kapag binabanggit .
Samantala, nakapamili na raw sila ng mga gamit ng bata at hands on, at hands-on daw si Iya sa pag-aayos ng baby room.
Kabado man, mas nangingibabaw daw ang pasabikan ni Iya lalo na't malapit na ang kanyang due date.
"Ang iniisip ko na lang ang sinasabi nila, 'na isipin mo na lang Iya kahit sobrang sakit na yung tuwa kapag nakita mo na ang baby mo.' So dun kami sobrang excited," ayon kay Iya. -- FRJ, GMA News