ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Marvin Agustin, natuwa sa post ni Maine Mendoza


Isang meme post ni Maine Mendoza nitong Miyerkules sa kaniyang Twitter account ang nakatawag ng pansin at ikinatuwa ng actor- restaurateur na si Marvin Agustin.

Kasama ang larawan ng aktor, ang post ni Maine ay kaugnay sa pagtatanong sa petsa na Agosto 10, na katunog ng apelyido ni Marvin na Agustin.

 

Nakita naman ito ni Marvin at natutuwang nagkomento sa post ni Maine na: "@mainedcm ???????????? hahaha pati ba naman ikaw! Cuuuuuute mo talaga!????????????????????"

 


May mga nagkomento ring followers ng dalawa ng nagmumungkahi na magsama sa proyekto ang AlDub nina Alden Richards at Maine, at ang tambalan nina Marvin at Jolens o si Jolina Magdangal.

Naniniwala ang mga tagasuporta nila na magiging masaya kung magkakasama sa proyekto ang apat dahil parehong kuwela ang dalawang tambalan.

Kasabay naman ng pasasalamat ni Marvin sa mga nakaalala sa kaniya, pabiro itong nagpaliwanag na hindi niya kaarawan ang Agosto 10 kaya hindi raw siya maglilibre.

 

 


-- FRJ, GMA News