ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jimmy Bondoc, nilinaw na 'di natuloy ang pag-upo niya sa PAGCOR


Nilinaw ng singer-songwriter na si Jimmy Bondoc na hindi siya "nagbitiw" sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kung saan unang napabalita na hahawakan niya ang posisyon bilang Assistant Vice President (AVP) for Entertainment.

Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Jimmy na hindi natuloy ang pagkakatalaga niya sa nabanggit na puwesto dahil hindi nakapagpulong ang Board of Directors nang panahong iyon.

BASAHIN: Singer na si Jimmy Bondoc, hahawak din ng mataas na posisyon sa PAGCOR

Bagaman hindi natuloy ang kaniyang pag-upo sa PAGCOR, posible naman daw na sa isang programa sa government TV station siya ma-assign.

"In a conversation with Mr. Bong , we considered another post in PTV 4 because I might be able to work on larger scale entertainment (like radio or TV shows on the public netowrk) that may help inform people more about the President's platform," saad niya sa pahayag.

Kabilang si Jimmy sa ilang celebrity na masugid na naging tagasuporta sa nakaraang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Biyernes, napaulat na itinalaga bilang chairperson ng National Youth Commission si Aiza Seguerra.

Ang life partner ni Aiza na si Liza Diño, itinalaga naman bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Ilan pa sa mga celebrity na nabigyan ng posisyon sa pamahalaang Duterte ay sina Arnel Ignacio (PAGCOR), Kat De Catro (Department of Tourism), at Ramon 'RJ' Jacinto (Presidential Economic Adviser). -- FRJ, GMA News

Tags: jimmybondoc