ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Celebrity moms Marian Rivera, Jennylyn Mercado share parenting experiences


 

Kilala ang mag-asawa at Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang hands-on parents sa kanilang panganay na anak at unica hija na si Maria Letizia, na mag-iisang taong gulang na sa darating na Nobyembre.

Bukod sa pag-aalaga kay Baby Zia, sina Dingdong at Marian rin ang nagdi-disiplina rito, ayon sa Kapuso host-actress sa kaniyang morning talk show na “Yan Ang Morning!”

Sinisiguro raw ng mag-asawa na magkakampi sila lagi sa harap ng kanilang anak.

Kuwento ni Marian, “'Kami ni Dong, usapan namin noon, sabi niya, ‘Oh, kapag magkamali si Zia, ikaw magsasabi na mali siya.’ Sabi ko, ‘Ako talaga?! Para sa mata ng anak ko, ikaw 'yung bida? Ako yung witch?'”

“Sabi ko kay Dong, just in case na, halimbawa pinagsasabihan ko si Zia, tapos malaki na siya, kailangan kampihan niya ako kasi hindi naman puwede na pinagalitan ko, tapos sasabihin ng tatay, ‘It’s okay, come here.' Kailangan magkakampi kaming dalawa,” dagdag pa niya.

Para naman sa guest ni Marian na si Jennylyn Mercado, aminado siya na mas mahigpit siya sa kaniyang anak na si Alex Jazz kaysa sa lola nito.

“Ako 'yung medyo mas disciplinarian kaysa sa lola. Si lola, medyo bigay lahat. Ako, kapag sinabing no o hindi puwede, hindi talaga puwede,” ayon kay Jen.

Kuwento pa niya, “ Pero hindi ako pumapalo. Pinagsasabihan ko lang. Sumusunod naman.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News