ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Max Collins, mapapanood sa 'Someone To Watch Over Me'


Kabilang ang Kapuso actress na si Max Collins sa star-studded cast na nagbigay-buhay sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia” ngayong taon.

Gumanap siya bilang si Amihan, isang bagong karakter na kinilala bilang kapatid ni Ynang Reyna Mine-A.

Maikli man ang naging papel ni Max sa nasabing fantaserye, labis ang pasasalamat niya sa pagkakataong mapabilang sa programa.

Pag-amin niya, isa siyang tagahanga ng orihinal na “Encantadia,” na ipinalabas noong 2005.

Ayon pa sa aktres, sadyang nag-audition siya para makakuha ng role sa remake at retelling ng fantaserye.

“Hindi pa rin ako nakapaniwala na naging part ako ng 'Encantadia.' Fan ako ng original! Ang ganda ng set, effects—lahat plakado. I'm just happy I got to be a part of it, lalo na't nag-audition rin talaga ako for a part,” aniya sa isang pocket interview nitong Miyerkules.

Nag-audition raw siya para sa role na Sang'gre Amihan, na ginagampanan ngayong ng Kapuso actress na si Kylie Padilla.

At kahit hindi nga niya nakuha ang naturang role, masaya pa rin si Max na nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng cameo role bilang isa pang Amihan.

“I auditioned for Amihan. Siya talaga 'yung gusto kong character and I really wanted to play Amihan. I prayed to God na sana He gives it to me, and He was still able to, in some way,” dagdag niya.

 

 

Twinning!!! ???? @kylienicolepadilla ???? #EncantadiaGrandPresscon #Encantadia2016

A video posted by Max Collins (@maxcollinsofficial) on

 

Ngayong taon, mapapanood sa GMA Primetime si Max bilang bahagi ng “Someone To Watch Over Me,” na kabibilangan din nina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Edu Manzano.

Tatalakayin sa naturang programa ang early-onset Alzheimer's Disease, na malimit umanong nabibigyang-pansin sa telebisyon. -- FRJ, GMA News