Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Zambrano shares how his life was before meeting girlfriend Aicelle Santos


Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang nakakakilig na love story ng Kapuso host-singer na si Aicelle Santos at GMA News reporter na si Mark Zambrano, na nagkakilala dahil sa social networking site na Instagram.

Ayon kay Mark sa isang episode ng “Mars,” apat na taon na siyang single bago sila magkakilala ni Aicelle ngayong taon.

Marami raw sa kaniyang mga kaibigan ang nagulat dahil isa pa ang Kapuso broadcaster sa mga huling nagpakasal sa kanilang magba-barkada.

Kuwento ni Mark, “'Yung barkada ko, we're a group of 12, halo-halo. Dalawa na lang kami na hindi pa kinakasal. All of them are married with kids.”

“Ang nakakatawa doon, noong college kami, kapag may problema sila sa mga boyfriend o girlfriend nila, ako ang kinakausap nila. Ako ang nag-aayos. Kaya sabi ko, 'Teka muna, bakit ako ang nahuli?'” dagdag pa niya.

Bago niya makilala si Aicelle, aminado ang GMA News reporter na naghihintay na lamang siya ng pag-ibig.

Aniya, “Before I met Aicelle, I was single for almost four years. By choice, wala talaga. Sabi ko, I'm too old to play games, I'm too old to go through the whole shallow process of courting. If I have wait, kahit gaano katagal, maghihintay na lang ako.”

Nang tanunging kung “worth the wait” ba ang kaniyang kasintahan, simple ang naging sagot ni Mark: “Super!”

Mensahe niya rin sa mga kabataan, “That's a lesson rin para sa mga bata. Sometimes you think you know how to love, you think you know what love is, pero hindi. Minsan, what you're looking for is not what you need.”

Ipinagdiwang ni Mark nitong nakaraang linggo ang kaniyang 39th birthday kasama si Aicelle.

“To all who were a part of the blessed 39 years of my life, thank you. To all who are still part of it, thank you. And to all who will soon join me in this journey, I embrace you. I am because of you,” pahayag niya sa isang Instagram post.

 

 

Mensahe naman ni Aicelle para sa kaniyang nobyo, “My sweetest gigil kisses will only be for you. Happy birthday mahal ko! Mahal na mahal na mahal kita @markzambrano!”

 

 

My sweetest gigil kisses will only be for you.???? Happy birthday mahal ko! Mahal na mahal na mahal kita @markzambrano!??

A photo posted by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

 

Sa naunang panayam, sinabi ng Kapuso singer na si Maricris Garcia, na matalik na kaibigan ni Aicelle, na labis talaga ang pagmamahalan ng dalawa.

"In love na in love. Sobrang in love na in love. Sabi ko nga, ayaw kong kasama siya na nandiyan si Mark kasi hindi ko na siya makausap! Hindi kami makapag-chikahan," ani Maricris na kasama noon ni Aicelle sa grupong "La Diva."

"Para silang high school! Parang mga bata! Nakakatuwa naman na makitang masaya sila. I'm very happy for Aicelle," dagdag pa ni Maricris. -- FRJ, GMA News