Celebs, netizens mourn the death of 'Horror Queen' Lilia Cuntapay
Sa pamamagitan ng social media, ipinarating ng ilang celebrity at netizens ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng tinaguriang "Horror Queen" na si Lilia Cuntapay.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Sabado, sinabing pumanaw si Aling Lilia sa edad na 80, sa bahay ng kaniyang anak sa Ilocos Norte.
Ipagdiriwang sana ni Lilia ang kaniyang ika-81 kaarawan sa susunod na buwan, September 16.
Matatandaan na nitong Agosto, bigla na lang daw hindi makalakad si Lilia dahil sa problema nito sa spine cord habang nakatira noon sa Cagayan.
Mula sa Cagayan ay inihatid siya sa Pinili, Ilocos Norte kung saan nakatira ang anak niyang si Gilmore.
Sa nakaraang pagbisita ng GMA News kay Aling Lilia, nagpakitang gilas pa rin siya sa pag-arte nasa banig ng karamdaman.
Umapela siya noon ng tulong sa mga nakatrabaho sa showbiz para makapagpagamot.
Ayon kay Gilmore, nakaramdam ng matinding sakit ang kaniyang ina nitong Biyernes ng gabi sa likod. Kinaumagahan nitong Sabado dakong 6:00 a.m., bawian na siya ng buhay.
Plano ng pamilya na sa Ilocos Norte na ihimlay ang mga labi niya.
Tumatak sa mga manood ang mga karakter ni Aling Lilia tulad ng pagiging manananggal, mangkukulam, white lady at iba pang pang nakakatakot na role.
Marami ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamamagitan ng social media kasama na ang ilang celebrity.
Ang ilang netizens, nagpasalamat din na naging bahagi ng kanilang kabataan si Aling Lilia dahil sa mahusay niyang pagganap sa kaniyang mga nakatatakot na karakter.
RIP Lilia Cuntapay ????????
— Catherine Bautista (@kakaibautista) August 20, 2016
RIP Nerissa Cabral ????????
Salamat sa inyong pusong hinandog para sa sining.????????
Babay sa Horror Queen, The Lilia Cuntapay ???? wag moko dadalawin ha. Labyu ????????????
A photo posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on
Ilang beses mo rin kaming tinakot sa iyong pagganap sa horror films. Salamat at paalam, Aling Lilia Cuntapay. #RIP pic.twitter.com/4LNkx8COs2
— Professional Heckler (@HecklerForever) August 20, 2016
RIP Lilia Cuntapay, pinoy horror movies will never be the same without you. ????
— Precious Muriel Ting (@MurielExclusive) August 20, 2016
You gave my childhood tons of nightmare nevertheless, a wonderful experience to showcase such talent. ?? #RIPLiliaCuntapay #liliacuntapay
— Nadine ? (@moiselleAdi) August 20, 2016
When losing a fixture of our childhood nightmares becomes the nightmare
— Chuckie C. Chavez (@planetchuckie) August 20, 2016
RIP Lilia Cuntapay pic.twitter.com/QA5XJFg9yL
RIP Lilia Cuntapay. Others may only see you as an extra in horror films, but the truth is you will always be a gem to this industry. ????
— Alex Santos (@lizalexxo) August 20, 2016
RIP Lilia Cuntapay. ???????????? I can't imagine the Philippine horror films without you.
— Christian Maldonado (@c__maldonado) August 20, 2016
The Philippine horror queen, nanay Lilia Cuntapay, has passed away. No one will ever forget you. RIP pic.twitter.com/14P9T2QXa5
— Vermeer (@VermeerC) August 20, 2016
RIP, horror icon Lilia Cuntapay. You were a part of my childhood. I hope cinemas screen "6 Degrees of Separation from Lilia Cuntapay." :(
— Irish Christianne (@IrishDDizon) August 20, 2016
-- FRJ, GMA News