Celebrity kids, cute sa kanilang Pilipino costume para sa Buwan ng Wika
Nakibahagi sa selebrasyon ng "Buwan ng Wika" ang ilang celebrity kid na cute na cute sa kanilang Pilipino costume.
Kabilang dito ang adorable babies nina Cheska at Doug Kramer na sina Kendra at Scarlet, ayon sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules.
Si Kendra, lumutang ang pagka-mestiza sa kanyang ati-atihan costume.
Dalagang Pilipina naman ang hashtag na ginamit ni Yasmien Kurdi nang i-post niya ang video ni Ayesha na kumpleto akting habang tumutula.
Si Jennylyn Mercado, "magtanim ay 'di biro" ang hashtag sa picture ni Alex Jazz na ipinost niya na nakasuot ng magsasaka outfit.
Patok din sa netizens ang cute sultan costume ni Nate na anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid nang sumali sa kanilang school presentation.
Ang dating Sexbomb dancer member na si Sugar Mercado, ipinagmalaki ang costume na "Inang Bayan" ng panganay niyang si Gabi.
Si Gummy naman na anak ni Bettina Carlos, cute na cute sa kanyang yellow patadyong na may bandana at hawak pang Philippine flag. -- FRJ, GMA News