WATCH: 'MM' na pinsan ni Maine sa kalyeserye, ipinakilala na
Sa kalyeserye ng "Eat Bulaga" nitong Biyernes, ipinakilala na ni Maine Mendoza kung sino ang misteryoso niyang pinsan na si M.M. na nakasama niya nang magbakasyon siya sa Amerika.
Bago ipakilala si MM, nagpakilig muna sina Alden at Maine isang araw matapos silang maging "officialy on" [on cam], nang iparinig nila sa kalyeserye ang kanilang tawagan na, "baby boy" at "baby girl."
TAKE TWO????TAKE TWO!!!
— AlDubForTheBigBoyz™ (@AlDubBigBoyz) September 2, 2016
A: "Maine..."
M: "Baby Boy..." Waaaaahh double dead na kami???????????????????????? #ALDUBOfficiallyYOURS M pic.twitter.com/xVkjoFcOmn
Kasunod nito, ipinakita ni Maine ang video nila ni MM, na napag-alaman na si Motoki Maxted, na gaya ni Maine ay mahilig gumawa ng dubsmash video.
Panoorin ang isa sa mga patok na video ni Motoki.
Dahil sa husay ni MM mag-dubsmash, hindi raw maipagkakaila na magpinsan talaga sila ni Maine.
Samantala, may hatid na malungkot na balita si Lola Nidora na tuloy na tuloy na raw ang pagpunta nila ni Lola Tinidora sa Amerika.
Iiwan na nga ba nila si Maine kay Alden? Abangan. -- FRJ, GMA News