ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
DOBLE SAYA

WATCH: Maine at Motoki, nagsama sa dubsmash video


Matapos ipakilala ni Maine Mendoza sa kalyeserye ng "Eat Bulaga" nitong Biyernes na ang katulad niyang mahilig mag-dubsmash at US based na si Motoki Maxted ang misteryosong pinsan niyang si "MM," ipinakita naman nitong Sabado ang video ng dalawa na magkasamang nag-dubsmash.

Sa Facebook fanpage ng "Eat Bulaga" nitong Sabado, nag-post sila ng sample video nina Maine at Motoki na sabay nag-dubsmash via split screen gamit ang dating video ng dalawa.



Nitong Sabado, ipinakita ng kalyeserye ang dalawang video nina Maine at Motiko na magkasama nang nagkukulitan sa kanilang pag-dubsmash na ginawa nila noong bumisita sa US ang kalyeserye princess.

Version 2

-- FRJ, GMA news