ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Ibang Vic Sotto, makikita sa 'Enteng Kabisote 10 and the Abangers'


Nagsimula na nitong mga nakaraang linggo ang shooting ng pelikulang “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” na pagbibidahan ng batikang host-actor na si Vic Sotto, at inaasahang makakabilang sa mga opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2016.

Kabilang din sa magbibida sa pinakabagong installment ng hit fantasy-comedy film series sina Epi Quizon, Ken Chan, Bea Binene, Ryza Cenon, Oyo Boy Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Sinon Loresca a.k.a. Rogelia, Cacai Bautista, at marami pang iba.

Ibinahagi ng ilang cast member ang ilang behind-the-scenes photo mula sa shooting, na nagsimula nitong nakaraang buwan.

Ilan sa mga unang sumalang sa harap ng camera para sa inaabangang pelikula sina Bossing Vic, Ken, Bea, Epi, at ang JoWaPao bilang ang mga Lola.

 

First day of shooting ????????#EntengKabisote10AndTheAbangers #EntengKabisote ?

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on

 

 

1st shooting day of #entengkabisote10andtheabangers @alonzomuhlach with bossing vic sotto

A photo posted by Niño Muhlach (@oninmuhlach) on

 

 

 

Maliban sa star-studded cast, kaabang-abang rin ang mas pinahusay na special effects ng hit fantasy-comedy film, pati na ang kuwento na isasabay umano sa makabagong panahon, o sa gawi ng mga tinatawag na “millenials.”

Maririnig daw dito ang mga sikat na kataga, tulad ng “O.M.G.” at “Pak ganern!”

“As far as special effects are concerned, iba na talaga. 'Yung character ni Enteng, makikita nilang nag-iba na rin. He has to go with the flow. May pagka-millenial na ang dating ni Enteng Kabisote dito,” ayon kay Vic sa naunang pahayag.

Umaasa ang mga bumubuo ng pelikula na mabibigyan muli sila ng pagkakataong mapasaya ang mga Pilipino sa darating na Pasko, tulad ng nakagawian nila sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay Jose, “Panata na ito tuwing Pasko. 'Yung ibinibigay ni Bossing na saya sa mga bata, hindi puwedeng wala 'yan sa Pasko. Parte na ng buhay ng mga Pilipino 'yan.”

“Hopefully, pamaskong handog ulit natin sa mga manonood ng pelikulang Pilipino,” pagtatapos ni Bossing. -- FRJ, GMA News