ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'WALANG FACEBOOK ACCOUNT, FACE LANG'

Vic Sotto, ini-report sa NBI ang poser niya sa Facebook


"Malapit na kayo."

Ito ang babala ni "Eat Bulaga" dabarkads Bossing Vic Sotto sa mga taong nagpapanggap na siya at gumagawa ng Facebook account.

Bago ang segment na Sugod-Bahay ng "Eat Bulaga" nitong Miyerkules, inihayag ni Vic na nakipag-ugnayan siya sa National Bureau of Investigation (NBI) para i-report ang gumagamit ng kaniyang pangalan sa Facebook.

"Napansin n'yo kanina may kausap ako sa telepono, ang kausap ko NBI," kuwento ni Vic habang umi-ere ang programa. "Kasi ni-report ko yung Facebook account ko daw."

Reklamo ni Vic, kung ano-ano umano ang ipino-post ng kaniyang poser sa Facebook at nang-i-scam. Pero hindi niya idinetalye kung anong uri ng panloloko ang ginagawa ng kaniyang poser.

Paalala muli ni Bossing Vic sa publiko, "wala po akong Facebook, face lang."

Kasabay nito, pinayuhan din ng mga dabarkads ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa kanilang mga nakikita at nababasa sa mga social media.

Babala naman ni Allan K sa poser ni Vic, "kung sino ka mang poser ka, mag-isip-isip ka na."

Noong nakaraang Mayo, nagbabala na rin sa publiko ang "Eat Bulaga" laban sa mga poser ng programa at ni Vic para mang-scam. (Basahin: 'Eat Bulaga,' nagbabala sa publiko na walang FB account si Bossing Vic Sotto). -- FRJ, GMA News

Tags: vicsotto, poser