Alamin ang beauty tips na nais maipasa ni Marian kay Baby Zia
Kahit baby pa lang, kitang-kita na ang kagandahan ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Maria Letizia. Kaya naman ngayon pa lang, kinagigiliwan na siya ng marami.
Pero hindi pa raw handa si Marian na maging dalaga agad ang anak kaya sinusulit niya ang bawat sandali ng pagiging baby ni Zia.
Surprise! ???? Go to @marian_ootd for a #YanAngBrooch contest...???? Be yourself! ????
A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
Sa ngayon, busy ang aktres sa pag-aalaga kay Zia at bagama't siya ang bagong mukha ng pinakabagong makeup line ng Avon, si Baby Zia pa rin ang kaniyang priority.
Bilang endorser, tinanong ng press si Marian kung anong beauty tip ang nais niyang maipasa sa anak.
"Kailangan maging maalaga siya sa sarili niya," ani Marian na isa sa mga may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon.
Simpleng beauty routine lang ang gusto niyang sundin ng anak, "Every morning kailangan niyang maghilamos and every evening bago matulog malinis ang mukha." -- FRJ, GMA News