ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Inah de Belen admits being pressured over parents' showbiz legacy


Aminado ang Kapuso actress na si Inah de Belen na challenging ang pagbida niya sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na “Oh My Mama.” Itinuturing din niyang malaking karangalan na bigyang-buhay ang karakter na ginampanan noon ni Diamond Star Maricel Soriano sa pelikula.

“My role is very challenging kasi I'm going to deal with kids and I should learn how to act like a mother. My character is also searching for the love of her parent. So 'yung irony niya, kailangan kong maipakita,” saad ni Inah sa ginanap na press conference kamakailan sa GMA Network.

Dagdag pa ni Inah, “Even if I feel pressured, I can use that. 'Yun din naman ang nagmu-motivate sa akin to do better.”

Malaking tulong din daw para sa kaniya ang buong suporta at pagmamahal ng kaniyang mga magulang na sina John Estrada at Janice de Belen.

Susunod na nga ba siya sa yapak ng kaniyang mga magulang na kabilang sa mga kinikilalang pinakamagagaling na artista sa industriya?

“Sobrang laking pressure sa akin... I look up to my mom, I look up to my dad, and I believe that if I'll do my best, everything will be okay. But Janice de Belen is Janice de Belen and John Estrada is John Estrada. How I wish maabot ko yung mga nagawa nila,” tugon ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Ang galing nilang dalawa as an artista, kaya gusto kong i-prove sa lahat at sa kanila na kaya ko ito, and hopefully, maging proud sila sa akin.”

 

Happy birthday, Dad! Bagets pa! Chens love you! Lol @john__estrada

A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on

 

Ngayong gagampanan na niya ang kaniyang kauna-unahang lead role, handa na rin ba si Inah sa iba't ibang komentong maaaring ibato sa kaniya ng mga manonood?

“Sanay na ako sa bashers. Sa mom at dad ko pa lang, may bashers na sila. Sinasanay ko talaga ang sarili ko kasi 'yun din ang mangyayari sa akin, definitely. If ever mayroon, ginagawa ko na lang na motivation 'yon to work harder. I always believe that there is room for improvement,” ayon kay Inah.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Gaya nga ng sabi ng mommy ko, kahit anong mangyari, there will be people who love you and there will be people who will hate you. Ang importante is mag-focus ka, mag-concentrate, do your best, work hard, and everything will follow. That's why I look up to her, aside sa magaling siyang aktres, she's also very, very strong... I hope yung strength niya, makuha ko.”

Bilang Kapuso, pangarap rin daw ni Inah na makatrabaho ang Kapuso leading men na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, pati na ang mga kilalang aktres na sina Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, at Ina Feleo.



Mapapanood na si Inah sa TV adaptation ng “Oh My Mama!” simula sa darating na Lunes, September 19, pagkatapos ng “Eat Bulaga!”

Kasama rito sina Jake Vargas, Jeric Gonzales, Gladys Reyes, Epi Quizon, Ryan Eigenmann, Yul Servo, Francine Prieto, Arthur Solinap, Eunice Lagusad, Ash Ortega, Jenny Miller, at ang child stars na sina Therese Malvar, Jhiz Deocareza, Bryce Eusebio, Sofia Pablo, at David Remo. -- FRJ, GMA News