ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, excited na sa paglabas niya sa 'Encantadia' bilang isang 'Mulawin'


Excited na ang Kapuso leading man si Alden Richards sa paglitaw ng kanyang karakter sa "Encantadia" bilang si Lakan na isang "Mulawin."

Sa teaser ng "Encantadia" nitong Biyernes, ipinakita si Alden na isang karaniwang tao na sasaklo sa kay Danaya.

Ang paglabas ng karakter ni Alden ay makakasama panibagong kabanata ng "Encantadia" matapos na hirangin na bagong reyna si Pirena matapos na traydorin si Amihan.

Makakasama ni Alden ang isang pang mulawin na si Pagaspas na gagampanan ni Miguel Tanfelix.

Dapat daw abangan ng mga tagasubaybay ng "Encantadia" ang magiging misyon nila sa kaharian ng mga diwata ng Lireo. -- FRJ, GMA News