ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine Mendoza, Wally Bayola gives dramatic twist to 'PPAP Pen Pineapple Apple Pen'


Matapos ang nakatutuwang Dubsmash ng phenomenal Kalyeserye stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa “PPAP Pen Pineapple Apple Pen,” binigyan naman ito ng kakaibang version ng dalaga kasama ang kapwa-“Eat Bulaga!” dabarkads na si Wally Bayola.

Sinabayan ng piano accompaniment ni Maine ang madramang pag-awit ni Wally ng viral song mula sa Japanese comedian at DJ na si Kosaka Daimaou.

“I like to do this song for all the lovers around the world. Keep spreading the love,” panimula ni Wally.

Wala pang isang araw mula nang mai-post ang video sa “Eat Bulaga!” Facebook page, umani na ito ng higit sa isang milyong views at halos 44,000 likes.


Ayon sa ilan, sumusunod na ang “PPAP Pen Pineapple Apple Pen” sa yapak ng ilan sa mga pinakasikat na viral internet songs, tulad ng Korean pop song na “Gangnam Style."

Sa kasalukuyan, mayroon nang higit sa 21 million views ang orihinal na video ng awitin, na nai-post noong nakaraang Agosto.

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News