ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derrick Monasterio on Bea Binene: 'Matalino siya at matapang'


Aminado ang Kapuso actor at “Tsuperhero” star na si Derrick Monasterio na minsan na niyang niligawan ang kaniyang ka-love team na si Bea Binene.

Gayunpaman, nabigo raw siya dahil bukod sa bata pa silang dalawa noon, tila na-turn off raw sa kaniya ang Kapuso host-actress.

Kuwento ni Derrick sa isang press conference nitong nakaraang linggo, “Niligawan ko siya dati pero na-turn off  yata siya sa akin kasi babaero ako noong bata ako. Noon, ano ako, 'Ay ang ganda nito! Crush ko na ito.' Siya, siguro, inisip niya, 'Hindi naman yata ito seryoso.' So na-turn off siya.”

“Noong nililigawan ko siya, may iba akong nililigawan o pinopormahan. Kasi bata. 14 pa lang ako o 15,” dagdag pa ng 21-year-old actor.

Hindi man sila nagkatuluyan noon, nagpatuloy naman ang mga proyekto nila na magkasama tulad ng “Vampire Ang Daddy Ko” at ang upcoming Pinoy superhero comedy series na “Tsuperhero.” Dahil dito, patuloy din ang paglalim ng kanilang pagiging magkaibigan.

Sa katunayan, hindi na nga nila itinatanggi ang posibilidad na mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan.

"Iba kami ni Bea, eh. Alam niyo yung hindi kami, pero parang kami? Minsan, natutulog pa ako sa lap niya. Ganoon talaga kapag close na kayo," ayon kay Derrick.

Dagdag pa niya, "Iba 'yung tingin ko sa kaniya compared sa ibang love teams ko. Yung iba parang super tropa. Siya, feeling ko,  may chance pa in the future."

Pahayag naman ni Bea, "Nothing's impossible... Siguro masasabi ko na we are enjoying each other's company."

 

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on

 

Ayon kay Derrick, hindi raw mahirap magustuhan si Bea, lalo na't halos araw-araw silang magkasama, may taping man o wala.

Paglalarawan niya sa ka-love team, “Matalino siya at matapang. Yung ibang artista, kapag hiniwalayan, sobrang end of the world na. Siya, wala siyang pakialam, 'kahit hiwalayan mo ako, maganda pa rin ako.' Kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa. Gusto ko 'yun, siyempre. Independent, strong ang character at hindi kailangang dumepende.”

“Mas maganda kung ganoon kasi maba-balance ang character ko. Ako kasi, medyo strong rin, pero kailangan ko pa rin ng someone,” dagdag pa niya.

Handa na bang magseryoso sa pag-ibig ang Kapuso actor?

Sagot ni Derrick, “Noong bata ako, malandi talaga ako. Alam niyo naman kapag teenager, ayaw sa commitment. Ngayon, parang kailangan ko na ng someone to depend on.”

 

A photo posted by @derbeafever on

 

Kasama nina Derrick at Bea na bibida sa "Tsuperhero" sina Gabby Concepcion, Alma Moreno, Miggs Cuaderno, Analyn Barro, at Jemwell Ventanilla.

Mapapanood rin sa programa ang ilan sa magagaling na komedyante, kabilang sina Betong Sumaya, Philip Lazaro, Valentin, Kuhol, at marami pang iba.

Masasaksihan ang adventures ni "Tsuperhero" tuwing Linggo sa GMA Sunday Grande simula ngayong Nobyembre. -- FRJ, GMA News

Tags: tsuperhero