ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
KAHIT DI' SINIPOT DUTERTE

Netizens, pinuri si Kris Aquino sa pag-host ng pagtitipon ng mga negosyante


Kahit hindi natuloy ang kaniyang one-on-one interview kay Pangulong Rodrigo Duterte, marami pa rin ang pumuri kay Kris Aquino sa ginawa nitong pagho-host sa pagtitipon ng mga negosyante na ginawa sa Davao City nitong Biyernes.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi makadadalo si Duterte sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit ng GoNegosyo dahil sumama ang pakiramdam nito matapos lumapag sa Davao City ang eroplanong sinakyan dakong 4:00 a.m. mula sa dalawang araw na official visit sa Malaysia.

Ito sana ang unang pagkakataon na makakapanayam ni Kris si Duterte mula nang manalo sa nagdaang presidential elections, at humalili sa kaniyang kapatid na si dating Pangulong Benigno Aquino III sa Palasyo.

Inihalintulad ni Kris sa "first date" ang hindi nila pagkikita ni Duterte.

"Minsan ang mga first date hindi natutuloy," ani Kris. "President Duterte pinaghandaan kita, nagdiyeta ako nang dalawang linggo."

Sa kabilang nito, umasa si Kris na matutuloy pa rin ang panayam niya kay Duterte sa hinaharap.

"President Duterte, please give me a chance. I hope one day mamahalin mo rin ako," anang TV host-actress.

BASAHIN: Mensahe ni Kris kay Duterte: One day mamahalin mo rin ako

Maging ang ilang tagasuporta ni Kris ay umaasa na mangyayari pa rin at aabangan nila ang pagtatagpo ng dalawa.

Kasabay nito, pinuri nila si Kris dahil nagawa pa rin umanong mapasaya ang naturang pagtitipon.

Mayroon din namang pumuna na nasapawan ni Kris ang programa para sa mga negosyante.

 

 

 

Si Kris, nag-post din ng larawan sa kaniyang Instragram account sa naging maiinit na pagtanggap sa kaniya ng mga tao habang hinihintay si Duterte.

"Still waiting for President Du30. Nag banyo & I was so touched by their warm welcome," saad sa caption ni Kris.

 

 

Still waiting for President Du30. Nag banyo & I was so touched by their warm welcome. ??

A photo posted by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

 

#GandangDiNapakinabangan ???? (thank you @kbrosas for this perfect quote)

A video posted by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

 

-- FRJ, GMA News

Tags: krisaquino