Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Ang 'kaharian' ni Mikee Quintos sa mundo ng mga tao



WATCH: Mikee Quintos, ipinasilip ang mala... by encantadia2016

Itinuturing ni "Lira" ng "Encantadia" na si Mikee Quintos na kaharian ang kanilang three-storey house kung saan kasama niya ang kaniyang mga magulang at tatlong kapatid.

“Ang mga decor namin, parang pang-'Encantadia' rin. Hindi nalalayo, kaya kahirian ko rin ito,” masayang kuwento ng Kapuso young actress.

Puno rin ng mga disenyo at dekorasyon ang kanilang bahay na katubigan ang tema, tulad ng seashells at fountains.

Ayon kay Mikee, “I love going to the beach. I'm also a competitive swimmer from grade school to high school.”

Sa kaniyang kuwarto naman, makikita ang isang “wall of memories” at ang mga munting obra ni Mikee, na isang Architecture student sa University of Santo Tomas.

Maliban sa plane tickets, mga resibo, at mga litrato, mayroon ring scratch map ang aktres upang matandaan ang mga bansang napuntahan na niya.

“Lahat ng country na napuntahan ko na, na-scratch ko na. Someday, sana mapuno ko ito ng colors at malibot ko ang buong mundo,” aniya.

 

Click here for more of "Encantadia" vidoes:

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News