Ang simpleng first birthday celebration ni Baby Zia; Marian, may mensahe sa anak
Gaya nang inihayag nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, naging simple pero memorable ang selebrasyon ng unang kaarawan ng kanilang first baby na si Maria Letizia.
"We celebrated her first birthday in the same place where we had out first date 8 years ago," saad sa caption ng larawan na ipinost ni Dingdong sa kaniyang Instagram account habang nagbo-blow ng candle sa cake si Zia.
A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on
Nag-post naman si Marian ng madamdaming mensahe para sa kaniyang baby.
"Happy birthday, Anak. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo. Nawa'y lumaki ka na maging isang mabuting tao at mapagmahal sa iyong kapwa.
Kasabay ng iyong kaarawan ay ipinagpapasalamat ko rin ang isang taon ko na pagbibigay ng gatas sa iyo. "Hinding- hindi ko nakakalimutan ang sakripisyo mo para sa anak natin. I am so proud of you! I appreciate your efforts very much!"
- Iyan ang lintanya ng asawa ko bago nya ibinigay ang painting na yan sa akin kanina lang pagkauwi namin from Tagaytay. Mahal, salamat sa regalong ito. Sobrang naanting mo ako. Haaay ang sarap mabuhay na kasama kayong dalawa! Thank you LORD, " saad ni Marian.
-- FRJ, GMA News