ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Fuming Claudine says son Santino hurt by a relative


Hindi napigilan ng aktres na si Claudine Barretto na ilabas ang kaniyang galit sa social media matapos mapag-alamang sinaktan si Santino Santiago, ang bunsong anak niya at ng aktor na si Raymart Santiago.

Sa magkakasunod na Instagram posts, ipinakita ni Claudine ang kalagayan ng kaniyang anak, na labis umanong na-trauma dahil sa nangyari.

“Nagkamali kayo ng SINAKTAN!!! You hurt my Son PHYSICALLY GOD FORGIVE ME SA ANONG GAGAWIN KO SA INYO!!!! I swear with my life Mga Animal kayo!!!! I WILL SEE YOU IN COURT!! God forbid makaharap ko isa sa inyo baka MAPATAY KO KAYONG LAHAT!!! Makalabas lang si Saint ng OSPITAL, MAGTAGO NA KAYO!!!!” pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, “'Yang red sa arm ng anak ko, saan nanggaling 'yan kung pinagsabihan nyo lang???”

 

 

Nagkamali kayo ng SINAKTAN!!! You hurt my Son PHYSICALLY GOD FORGIVE ME SA ANONG GAGAWIN KO SA INYO!!!!

A photo posted by Claudine Barretto (@claubarretto) on

 

 

Yang Red sa Arm ng Anak ko saan nanggaling yan kung pinagsabihan nyo lang????

A photo posted by Claudine Barretto (@claubarretto) on


Ibinahagi rin ni Claudine ang medical certificate mula sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City nitong Lunes.

Ayon dito, mayroong nangyaring “soft tissue contusion” sa kanang braso ni Santino, at pinayuhan rin ang bata na magpahinga ng dalawang hanggang tatlong araw.

 

 

Medico legal.ayan po Claudinians 10years old pinatulan at sinaktan!!!

A photo posted by Claudine Barretto (@claubarretto) on


Sa kaniyang Instagram posts, sumasagot rin si Claudine sa mga comment mula sa kaniyang mga kaibigan at tagahanga na nag-aalala para kay Santino.

Dito niya isiniwalat na isang kamag-anak ang nanakit sa kaniyang anak.

Aniya, “Di po sa school sinaktan si Saint. PAMILYA NIYA PO GUMAWA SA KANYA. KAMAG- ANAK... 28! Or 29 years old—sasaktan mo ba 'yung 10 years old? Sira ba ulo ng mga 'yun?”

Nais lang daw ng aktres na humingi ng tawad ang nanakit sa kaniyang anak, ngunit nagtatago raw ito ngayon at pinapalabas pa umanong si Santino ang nagsimula ng gulo.

Hindi raw palalampasin ni Claudine ang nangyaring ito sa kaniyang anak, at balak niya umanong maghain ng reklamo sa korte upang mapanagot ang may sala.

“Kahit na baliktarin nila ako, 'di nila kaya. I'm not going to hold back because, before anything else, I AM A MOTHER FIRST! Thank you for all your support, love, and prayers, palanggas. Please be with Saint and I in the battle ahead of us,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, “Malalaman niyo rin po at ipaaalam ko sa inyong lahat kung sino ang gumawa nito sa anak ko! Ayaw humarap, nagtatago. Si Saint pa ang pinalalabas na nagsimula??? 10 lang si Saint! Grabe sila. Hindi ako titigil hanggang mag-sorry sila sa akin because pinaubaya ko ang mga anak ko doon tapos gaganunin nila!”

Maliban sa pagpapacheck-up dahil sa pananakit ng katawan, dadalhin rin daw ni Claudine si Santino sa isang psychiatrist dahil tila na-trauma raw ito sa nangyari. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News